Header Ads Widget

Responsive Advertisement

Frustrated murder, isasampa sa SUV driver na sumagasa sa guwardya sa Mandaluyong


Nakaratay sa ICU ng VRP Medical Center sa Mandaluyong City si Christian Floralde, ang 31-year-old security guard na biktima ng hit-and-run incident na nangyari sa intersection ng Doña Julia Vargas Avenue at Saint Francis Avenue, Linggo, 4:20 p.m., June 5, 2022.

Sumiklab ang galit ng publiko laban sa driver ng puting RAV4 SUV.


Loading...

Malinaw na nakunan ng mga dashboard camera ng mga sasakyang nakahinto at naghihintay ng go signal ang pagbangga ng driver sa biktima na tumutulong lamang para maging maluwag ang daloy ng trapiko sa kanto ng SM Megamall at St. Francis Square Mall.

Imbes na tulungan si Floralde nang matumba ito sa kalsada, sinagasaan pa siya ng driver na walang konsensiya, mabilis na tumalilis, at tinakasan ang krimeng ginawa.

Mabilis na natukoy ang plate number ng SUV na minamaneho ng driver dahil sa mga concerned citizen na nakasaksi sa nakapanlulumong aksidente.

Si Floralde ay empleyado ng Raptor Security Agency.

Ngayong Lunes ng hapon, June 6, nakausap ng Cabinet Files sa telepono si Manuel Fayre, ang managing director ng nabanggit na kompanya.

Sinabi ni Fayre na security guard si Floralde, pero may kasunduan ang Raptor Security Agency sa business establishment na kumuha sa kanilang serbisyo na tutulong din sila para lumuwag ang traffic situation sa lugar na nasasakupan nila.

Medyo maayos na raw ang kalagayan ngayon ni Floralde pero "he is not yet out fo dancer" dahoil hanggang ngayon ay nasa ICU pa rin ito.

Ayon kay Fayre, hinihintay nilang makipag-ugnayan sa kanila ang driver ng sasakyan na sumagasa kay Floralde. Kung hindi, plano ng kanilang ahensiya na magsampa ng frustrated homicide case.

Handa rin daw ang misis ni Floralde na magsampa ng criminal case laban sa sumagasa sa mister nito.

Sa tulong ng netizens na nakakuha sa plate number ng RAV4, natukoy na ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) ang may-ari ng sasakyan kaya naglabas sila ng show cause order ngayong Lunes ng umaga.

Ipinag-utos ng LTO na dumalo sa pagdinig sa kaso ang driver na bumangga at sumagasa kay Floralde bukas, June 7.

Si LTO-NCR Regional Director Atty. Clarence Guinto ang nag-schedule ng magaganap na hearing, pero tumanggi siyang sabihin ang pangalan ng may-ari ng sasakyan dahil sa Data Privacy Law.


Follow us on Facebook and Instagram for more Cavite News!

Post a Comment

0 Comments